^

Police Metro

Drone jailbreak ‘di magtatagumpay - BuCor

Ludy Bermudo - Pang-masa
Drone jailbreak ‘di magtatagumpay - BuCor
The New Bilibid Prisons as seen in an undated photo by the Muntinlupa City government.
Muntinlupa LGU / Kevin Roi Lopez

MANILA, Philippines — Posible hindi umanong magtagumpay sa mga kulungan ang mga presong balak tumakas gamit ang drone.

Ito ang sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr.,dahil sa ingay na nalilikha ng mga aparato at sa malawak na closed-circuit television (CCTV) system na nakakabit sa mga piitan.

Ang pahayag ay ginawa ni Catapan bilang tugon sa mga tanong ng media kaugnay ng posibleng paggamit ng drone sa operasyon ng piitan, partikular sa mga tangkang pagtakas, paghahatid ng kontrabando, o ilegal na pagmamanman sa mga correctional facility.

“All our Operating Prison and Penal Farms are no fly zones, and we have watch towers manned 24/7 which immediately alert our guards if there will be attempts to escape through drones aside from maingay ang drone at equipped naman ang ating facilities ng mga CCTV, so we can detect it at once,” ani Catapang.

Ayon sa hepe ng BuCor, hindi makakalapit ang mga drone sa mga correctional facility nang hindi napapansin ng mga tauhan at ng security system.

Ang maingay na motor ng mga ito lalo na kapag lumilipad nang mababa ay agad na makaka­alerto sa mga gwardya at iba pang awtoridad.

Lalo pang pinapalakas ng mga CCTV camera na nakakalat sa buong pasilidad ang kakayahan ng Bureau na makatuklas ng kahina-hinalang aktibidad.

Sa pamamagitan ng mga camera ay namo-monitor ng security personnel ang loob at paligid ng piitan, mga gusali, at iba pang restricted area.

Anumang drone na mamataan sa loob o malapit sa pasilidad ay maaaring ma-record at masubaybayan, kaya mabilis na makakaresponde ang mga awtoridad.

BUREAU OF CORRECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with