^

Police Metro

Paslit, utol na sanggol natupok

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Natupok sa sunog ang isang 5-anyos na batang babae at kapatid nitong 2 buwang gulang na sanggol na babae matapos na masunog ang tinitirhan nilang barung-barong na nakatayo sa gilid ng Yuseco at Batangas St., Tondo, Maynila.

Namatay habang dinadala sa ospital ang magkapatid na sina Princess Apple Tolentino, 5-anyos at kapatid na sanggol na si Anna Marie.

Batay sa ulat, alas-2:00 ng madaling araw nang masunog ang barung-barong ng magka­patid dahil sa natumbang kandila matapos na sila ay iwan sandali ng  ina nilang si Josephine, 34, para bumili ng pagkain.

Ilang sandali pag-uwi nito ay nakitang nasusunog ang kanilang barung-barong na agad humingi ng tulong sa mga kapitbahay para maapula ang apoy.

Hindi naman duma­ting ang mga bumbero dahil tanging ang barung-barong nila ang nasunog na napatay ng mga residente.

 

vuukle comment

ANNA MARIE

BATANGAS ST.

BATAY

ILANG

MAYNILA

NAMATAY

NATUPOK

PRINCESS APPLE TOLENTINO

YUSECO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with