^

Police Metro

Cargo vessel lumubog: 1 nasawi, 19 nasagip

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang ship officer habang 19 pang tripulante ang nasagip nang aksidenteng lumubog ang sinasakyan nilang cargo vessel sa pagitan ng karagatan ng Oriental Mindoro at Batangas nitong Enero 1 ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing si Almarito Anciano, Chief Engineer ng lumubog na M/V Sea Mer­chant, pag-aari ng Fortune Sea Carrier Inc.

Sa imbestigasyon, bandang alas- 4:00 ng hapon ng balyahin ng malalakas na alon ang cargo vessel bunsod upang pasukin ito ng tubig hanggang sa lumubog.

Unang nasagip ang 11 tripulante habang nagpapalutang-lutang ang life boat at sumunod ang walo pang tripulante kasama ang kapitan ng barko na si Luzvimindo Casipong sa pagitan ng karagatan ng Isla Verde, Batangas at Oriental Mindoro.

Ang bangkay ni Anciano ay kasama ng siyam na tripulante na naunang napaulat na nawawala.

Patungo sana sa Antique na may kargang 20,000 sako ng semento ay naglayag mula sa pier ng Bauan, Batangas dakong alas-12:00 ng tanghali noong Huwebes nang abutin ang mga ito ng masamang lagay ng panahon. - Joy Cantos-

 

vuukle comment

ALMARITO ANCIANO

BATANGAS

CHIEF ENGINEER

FORTUNE SEA CARRIER INC

ISLA VERDE

JOY CANTOS

LUZVIMINDO CASIPONG

ORIENTAL MINDORO

V SEA MER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with