^

Police Metro

9-anyos babae ginahasa sa bilibid

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - I sang siyam na taong gulang na batang babae ang ginahasa sa loob ng chapel ng Maximum Security Compound sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City ng isang preso habang ipinagdiriwang ang Bagong Taon.

Ang biktima ay ikinubli sa pangalang Maria na anak ng preso sa natu­rang bilangguan.

Kinumpirma ni BuCor Director Franklin Bucayu na anak ng preso ang biktimang dumadalaw lamang kasama ang ina na hinalay sa loob ng Our Lady of Lourdes Chapel na nasa Maximum Security Compound.

Naaresto na ang suspek na si Norvin Domingo, isa ring bilanggo at kasama pa ng ama ng biktima sa selda.

Ayon kay Bucayu, kasama ng bata ang kanyang  ina na dumalaw sa kanyang ama na preso sa nasabing bilangguan.

Habang nagaganap ang party para sa Bagong Taon na isinagawa sa domitoryo ng mga bilanggo ay sumama ang biktima sa ilang anak din ng mga preso para maglaro.

Nagtataka ang mga magulang ng biktima  dahil mahigit sampung minuto na hindi pa ito bumabalik, kung kaya’t ipinabigay alam sa mga nakatalagang prison guard at nadiskubre na ginahasa ang bata ng  suspek. 

Agad na dinakip ng mga prison guard ang suspek na kakasuhan ng rape at ang bata ay dinala sa ospital para isailalim sa medical exam at hinihintay na lamang ang resulta ng medical test.

Kapag napatunayan na may kapabayaan ang mga nakatalagang prison guard ay sasampahan ang mga ito ng kasong admi­nistratibo.

vuukle comment

BAGONG TAON

DIRECTOR FRANKLIN BUCAYU

MAXIMUM SECURITY COMPOUND

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISONS

NORVIN DOMINGO

OUR LADY OF LOURDES CHAPEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with