^

Police Metro

33 nasugatan... 4 todas sa pagsabog

Pang-masa

MANILA, Philippines - Binomba ng mga hindi pa kilalang suspek ang public market ng M’lang, North Cotabato na ikinasawi ng apat  katao at pagkasugat ng 33 iba pa kamakalawa ng hapon.

Isa sa apat na nasawi ay kinilalang si Zenaida Suelo, 41.

Sa ulat ni Captain Jo-ann Petinglay, Spokesperson ng Army’s 6th ID na dakong alas-3:45 ng hapon nang maganap ang pagsabog sa pagitan ng Cuerpo Store at Sammy Mini grocery sa public market ng nasabing bayan.

Hinala ng mga otoridad na ang pambobomba ay posibleng gawa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Itinaon ng nasabing grupo na ang pagpasabog habang abala ang mga tao sa paghahanda para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

 Patuloy ang pangangalap ng mga ebidensya at pagkuha ng testimonya ng mga otoridad upang mapanagot sa krimen ang mga suspek.

Ito na ang ikalawang pambobomba sa nasabing bayan na ang una ay noong Nobyembre 23 ng taong ito na ikinasawi ng 3 katao habang mahigit naman sa 20 pa katao ang nasugatan.-Joy Cantos-

vuukle comment

BAGONG TAON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BINOMBA

CAPTAIN JO

CUERPO STORE

HINALA

JOY CANTOS

NORTH COTABATO

SAMMY MINI

ZENAIDA SUELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with