^

Police Metro

Mag-utol dedbol sa ulam na butete

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Kapwa nasawi ang isang magkapatid habang nasa malubhang kalagayan naman ang dalawa nilang pinsan matapos na malason sa iniulam na  isdang butete sa kanilang hapunan kamakalawa sa Datu Blah Sinsuat, Maguindanao.

Idineklarang dead on arrival sa Cotabato Regional and Medical Center ang mag-utol na sina Benny Orbano, 18 at Coco Orbano,15, residente ng Brgy. Binansalan ng bayang ito.

Patuloy namang inoobserbahan sa pagamutan ang dalawang pinsan nila na nagkakaedad 11 at 4 anyos.

Batay sa ulat, nahuli ng mga biktima ang isdang butete na napadpad  sa tabing dagat na kanilang iniuwi saka ipinirito.

Dakong alas-7:00 ng gabi ay kinain ng mga ito  ang butete na ulam sa kanilang hapunan.

Ilang oras matapos na makain ang butete ay nakaranas ng pananakit ng tiyan, pamamanhid ng katawan, matinding sakit ng ulo, pagsusuka at pagdudumi ang mga biktima bunsod upang isugod ang mga ito sa pagamutan  pero nabigo ng masagip ang magkapatid.

Kumuha na ng sample ang mga health officials ng isdang butete na ulam ng mga biktima upang madetermina ang level ng toxin o lason na nakuha ng mga ito.

vuukle comment

BATAY

BENNY ORBANO

BINANSALAN

BRGY

COCO ORBANO

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER

DAKONG

DATU BLAH SINSUAT

IDINEKLARANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with