^

Police Metro

Minimum fare sa jeep: P7.50 na lang! - LTFRB

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Epektibong ipinatupad kahapon (Disyembre 11, 2014) ang bawas P1.00 pasahe sa pampasaherong jeep mula sa dating P8.50.

Kaya’t ang minimum fare ng jeep ngayon ay P7.50 na lang para sa unang apat na kilometro.

Ito  ay makaraang aprubahan ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang hiling ng grupong National Council for Commuter Protection (NCCP)  na maibaba ng ahensiya ang pasahe sa mga passenger jeepney dahil sa patuloy na pagbaba ng halaga ng krudo at gasolina sa merkado.

Sinabi ni LTFRB Chairman Winston Ginez na hindi na kaila­ngan pa ang fare matrix para dito dahil ang bawat pasahe sa bawat destinasyon na ruta ng jeep ay babawasan na lamang ng halagang P1.00.

Binigyang diin ni Ginez na dapat agad sundin ng mga operator at driver ng jeep ang natu­rang direktiba dahil kung hindi ay maaari ang mga itong maparusahan o posibleng pagkansela sa kanilang prangkisa.

Wala pang desisyon ang LTFRB sa fare reduction sa mga passenger jeep sa ibang rehiyon at wala pa ring desisyon ang ahensiya kung may bawas pasahe din sa iba pang pampasaherong sasakyan tulad ng passenger buses, AUVs at taxi.

 

vuukle comment

BINIGYANG

CHAIRMAN WINSTON GINEZ

COMMUTER PROTECTION

DISYEMBRE

EPEKTIBONG

GINEZ

LAND TRANSPORTATION FRANCHI

NATIONAL COUNCIL

REGULATORY BOARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with