^

Police Metro

Pulis patraydor na tinodas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patraydor na pinagbabaril ang isang pulis ng hindi pa kilalang gunman habang ito ay nagkukumpuni ng motorsiklo kamakalawa ng hapon sa Navotas City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa ospital ay kinilalang si PO1 Ronnie Dela Cruz, 30, residente ng no. 122 E. Mariano Street, Brgy.Tangos, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon ay nagkukumpuni ang biktima ng isang motorsiklo sa motorshop na kanyang pag-aari na matatagpuan sa  Angeles Bldg. M. Naval St., Brgy. San Roque.

Biglang sumulpot ang hindi nakilalang suspek at agad na pinaputukan ang pulis at kaswal lamang umanong naglakad palayo ang sa­larin matapos ang pamamaril.

vuukle comment

ANGELES BLDG

BATAY

BIGLANG

BRGY

MARIANO STREET

NAVAL ST.

NAVOTAS CITY

RONNIE DELA CRUZ

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with