^

Police Metro

Senglot naligo sa ilog, nalunod

Randy V. Datu - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang isang 50-anyos na si Noli Dacallos na palutang-lutang sa ilog matapos itong maligo at malunod kahapon ng umaga sa Parola, Barangay Upper Kalaklan, Olongapo City.

Batay sa ulat, dakong alas-6:15 ng umaga nang matagpuang palutang-lutang sa pampang ng ilog katabi ng isang bangka ang biktima.

Sa pahayag ng isang William Ditona, exec-officer ng barangay, bago natagpuang patay ang biktima ay lumangoy ito  bandang alas-11:00 ng gabi pagkatapos uminom ng alak.

Dahil sa posibleng kalasingan ay hindi nito kinaya na lumangoy nang mapunta sa malalim na bahagi ng ilog kung kaya’t nalunod ito.

 

vuukle comment

BARANGAY UPPER KALAKLAN

BATAY

DAHIL

ILOG

ISANG

NATAGPUANG

NOLI DACALLOS

OLONGAPO CITY

PAROLA

WILLIAM DITONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with