^

Police Metro

Mixer truck bumaliktad: 4 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang apat katao habang apat din ang nasugatan matapos bumaliktad ang isang mixer truck sa kahabaan ng highway ng Brgy. Abong-Abong, Maluso, Basilan kahapon.

Ang mga nasawing biktima ay kinilalang sina Angelino Alejandro, nasa hustong gulang; Eddie Misamis, Brgy. kagawad; Marisa Jakaria, 14 ng Jolo, Sulu at Adding Duterte, nasa hustong gulang.

Ang mga nasugatan ay kinilalang sina Mohammad Adil Badidi, nasa hustong gulang, driver ng transit mi­xer; Michael Abubakar, obrero; Annori Tayabas, 40, CAFGU at isang alyas Awan, foreman ng Michael Abubakar Cons­truction.

Sa ulat ni Sr. Supt. Mario Dapilloza, Provincial Police Office (PPO) Director ng Basilan Police, dakong alas-9:00 ng umaga ay kasalukuyang minamaneho ni Badidi ang transit mixer (RHD 867) nang biglang sumabog ang unahang gulong sa kanan bunsod upang ito ay bumaliktad ng ilang ulit.

Sanhi, upang maipit ang apat na biktima na binawian ng buhay sa insidente habang isinugod naman sa pagamutan ang 4 na nasugatan.

 

vuukle comment

ANGELINO ALEJANDRO

ANNORI TAYABAS

BASILAN POLICE

BRGY

EDDIE MISAMIS

MARIO DAPILLOZA

MARISA JAKARIA

MICHAEL ABUBAKAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with