^

Police Metro

Pananagutan sa sex video ni Gov. Tallado pinag-aaralan ng DILG

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinag-aaralan na ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas II kung ano ang pananagutan ni Camarines Norte Governor Edgardo Tallado sa sex video at nude photos kasama ang umano’y kabit nitong 24-anyos na magandang babae.

Ayon kay Roxas, dahil si Gov. Tallado ay isang   lokal na opisyal at ito ang kauna-unahang pagkakataon na naka-engkwentro sila ng kaso kung saan isang elected official ang may kumakalat na sex video.

Nitong Lunes ay humingi ng tawad si Tallado sa kaniyang mga nasasakupan sa pagsasabing tao lamang siya na may kahinaan at iginiit na hindi korapsyon ang iskandalong kaniyang kinasangkutan.

Binigyang diin ng  Kalihim na kung ang isyu lang ay “marital problem” ay hindi niya umano ito panghihimasukan.

Gayunman, sa aspeto ng pagiging public official ni Tallado ay may obligasyong moral ito sa kanyang nasasakupan.

Tumanggi ng magbigay pa ng karagdagang komento si Roxas.

vuukle comment

AYON

BINIGYANG

CAMARINES NORTE GOVERNOR EDGARDO TALLADO

GAYUNMAN

KALIHIM

NITONG LUNES

PINAG

ROXAS

TALLADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with