^

Police Metro

Hapones itinumba ng nakamotor

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang Japanese national nang ito ay  barilin ng isang lalaki na sakay ng motorsiklo habang nakasakay sa taxi ang una kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Ang nasawi ay kinilalang si Shinsuke Toba, nasa hustong gulang, na nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi ay sakay ang biktima kasama ang isang kababayan sa taxi na minamaneho ni Rodito Atibagos, 68, ng Tondo, Manila.

Habang binabaybay ang kahabaan ng C-5 Extension Road, Brgy.Manuyo 2 ay ipinahinto ng biktima ang taxi dahil sa tawag ng kalikasan.

Nang huminto ang taxi ay sumulpot ang suspek na sakay ng motorsiklo na hindi naplakahan at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek at ang biktima ay dinala sa pagamutan, subalit namatay din ito.

vuukle comment

BATAY

BRGY

EXTENSION ROAD

HABANG

LAS PI

MANUYO

MATAPOS

RODITO ATIBAGOS

SHINSUKE TOBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with