^

Police Metro

MMDA officer inambus sa Cavite

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang nasa kritikal na kon­disyon matapos tamba­ngan ng dalawang kalalakihan kahapon ng umaga sa Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ni Sr.Supt. Joselito Esquivel, Chief ng Cavite Provincial Police Office (PPO) ang biktima na si Russel  Jun Sindac, 43-an­yos, MMDA Officer na nakatalaga sa Coastal Road.

Batay sa ulat, bandang alas-5:40 ng umaga nang maganap ang pamamaril ng dalawang hindi pa kilalang suspek sa biktima sa tapat ng bahay nito sa Cantimbuhan Apartment, Brgy. Salitran 1 ng lungsod.

Nabatid na kararating lamang ng biktima sa lugar at kasalukuyan nitong ipinaparada ang kulay puting Nissan Urvan (PCO-926) nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng dalawang nag-aabang na suspek.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek na sakay ng motorsiklo patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CANTIMBUHAN APARTMENT

CAVITE PROVINCIAL POLICE OFFICE

COASTAL ROAD

JOSELITO ESQUIVEL

JUN SINDAC

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NISSAN URVAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with