^

Police Metro

Ginilitan ng lover... pipi’t bingi na misis tinodas, isinako

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang awang pinatay ng kanyang live in partner ang isang 20-anyos na ginang na isang pipi at bingi matapos na gilitan ang leeg at ilagay sa sako ang bangkay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang nasawi ay kinilalang si Mary Joy Rod­riguez, ng Magnolia St., Barrio San Lazaro, Brgy. Tala, ng naturang lungsod.

Kusang-loob namang sumuko sa pulisya ang suspek na si Reynaldo Anova, 21-anyos.

Sa ulat ng pulisya, bago nadiskubre dakong alas-11:00 ng gabi ang bangkay ng biktima ay nag-report sa barangay ang ina ng biktima dahil sa hindi makita ang anak.

Nagresponde sa lugar ang mga barangay at hinanap ang biktima at dito ay kanilang nakita ang isang sako sa ilalim ng hagdanan na may bahid na dugo.

Nang siyasatin ang sako ay nakita ang bangkay ng biktima.

Inamin ng suspek ang krimen at sinabi na bago nangyari ay nagkaroon sila ng away ng biktima at dito ay  nakakuha ng itak ang huli at tinangkang tagain ang una na nagawang makailag at maagaw ang itak.

Nang maagaw ng suspek ang itak ay ginilitan niya ang biktima sa leeg bago isinilid sa sako upang itago ang krimen.

vuukle comment

BARRIO SAN LAZARO

BIKTIMA

BRGY

CALOOCAN CITY

INAMIN

MAGNOLIA ST.

MARY JOY ROD

NANG

REYNALDO ANOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with