^

Police Metro

Kelot tinaniman ng 17 bala sa katawan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang backhoe operator ang pinagbabaril ng apat na lalaki matapos itong maghapunan kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

 Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Richard Padilla, 39, ng Sitio San Isidro, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal.

Tumakas ang apat na kalalakihang suspek lulan ng isang puting pick-up van.

Sa ulat, bago nangyari ang pamamaril dakong alas-7:00 ng gabi  ay katatapos lang kumain ng hapunan ng biktima kasama ang mga kasamahan sa trabaho na sina Julio Casino at Nestor Abello sa isang karinderya sa may Mindanao Avenue Extension sa Sitio Sulok, Brgy. Ugong.

Nagtungo ito sa isang tindahan upang bumili ng sigarilyo nang dumating ang mga suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito.

Nang masigurong patay na ang biktima ay tumakas ang mga suspek sa direksyon ng Brgy. Kaybiga,  Caloocan City.

Nasamsam ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang 17 basyong bala ng kalibre 45 baril. 

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BRGY

CALOOCAN CITY

JULIO CASINO

MINDANAO AVENUE EXTENSION

NESTOR ABELLO

RICHARD PADILLA

SAN JOSE

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

SITIO SAN ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with