^

Police Metro

‘Aswang’ ang nanay pinugutan ng anak!

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinaghahampas muna ng kawayan bago walang awang pinugutan ng ulo ng isang adik na anak ang sariling ina na umano ay isang aswang naganap kahapon ng madaling-araw sa loob ng kanilang bahay sa Bacolod City.

Kinilala ang biktima  na si Eledina Gabitanan,70-anyos residente ng Villa Esperanza, Brgy. Tangub ng  lungsod.

Ang suspek na ngayo’y nahaharap sa kasong parricide ay kinilalang si Percival Gabitanan, 34-anyos, kilalang drug addict sa kanilang lugar.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-2:00 ng madaling-araw ay nagising ang mga kapitbahay sa mala­kas na iyak ng matanda na sumisigaw ng tulong at kala­bugan sa loob ng bahay nito.

Agad na ipinarating ng mga kapitbahay ang insidente sa kanilang mga barangay tanod na siya namang tumawag sa himpilan ng pulisya na nagresponde sa lugar.

Huli na ang lahat ng dumating ang mga operatiba ng pulisya at nakita ang pugot na ulo ng biktima sa loob ng bahay habang ang katawan nito ay itinapon sa labas ng bahay.

Naaresto ang anak sa loob ng kanilang bahay at sa presinto ay sinabi nitong ‘aswang’ umano ang tingin niya sa  kaniyang ina kaya pinaghahampas niya ito ng kawayan saka pinugutan ng ulo.

Nabatid sa pulisya na lango sa droga ang suspek at posib­leng nagha-hallucinate ito kaya’t nagawa ang malagim na krimen.

vuukle comment

BACOLOD CITY

BRGY

ELEDINA GABITANAN

HULI

KINILALA

NAARESTO

NABATID

PERCIVAL GABITANAN

VILLA ESPERANZA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with