^

Police Metro

Wanted na pulis-holdaper, arestado

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Nadakip na rin ng mga otoridad ang isang bagitong pulis na holdaper at tinaguriang most wanted cop na sangkot sa serye ng panghoholdap sa mga dayuhan sa Ermita, Maynila kamakalawa ng gabi.

Ang suspek ay kinilalang si PO1 Reggie Dominguez, dating naka­talagasa sa Manila Police District (MPD)-Station 9.

Batay sa ulat, sa pagitan ng alas-6:00-8:00 ng gabi nang maaresto ang suspek sa bahay ng kanyang kinakasama sa Paz St., Paco, Maynila ng mga miyembro ng Special Action Force (SAF).

Si PO1 Dominguez ay may limang standing warrant of arrest kaugnay sa mga isinampang reklamo laban sa kanya ng kanyang mga nabiktima.

 Huling biktima umano ni Dominguez ay isang Hapon na natangayan niya ng P1.8 milyon matapos sitahin at kunin ang dalang bag kamakailan.

Isa din umano sa na­ging biktima ni Dominguez ay ang American national na si Adam Miller, 54 noong Mayo 17 kung saan natangay niya ang $4,000 dolyar nakalagay sa pitaka ng biktima.

vuukle comment

ADAM MILLER

BATAY

DOMINGUEZ

ERMITA

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

PAZ ST.

REGGIE DOMINGUEZ

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with