^

Police Metro

Grade 1 pupil ginahasa sa sagingan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 7-anyos na ele­mentary pupil na batang babae ang ginahasa ng isang 19-anyos na lalaki nang harangin ito habang naglalakad sa sagingan pauwi sa kanilang bahay sa liblib na lugar sa bayan ng Liloy, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Itinago ang biktima sa pangalang Melissa na sinamahan ng kaniyang amang si Ruel Caruana sa himpilan ng pulisya para magsampa ng reklamo laban sa suspek na si Raven Rusiana.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-12:30 ng tanghali ay kasalukuyang naglalakad ang biktima sa sagingan ng Brgy. Baybay, Liloy pauwi sa kanilang bahay nang harangin at gahasain ng suspek.

Matapos ang panghahalay  ay binantaan ng suspek ang biktima na huwag magsusumbong sa kaniyang mga magulang at kung hindi ay papatayin ito.

Sa pag-uwi ng bata ay napansin ng kaniyang ama na halos nagkagulagulanit ang uniporme  at paika-ika ito na hirap lumakad.

Inusisa ito ng ama hanggang sa ipagtapat ang pangyayari na kung saan ay naaresto ang suspek sa isang follow-up operation.

vuukle comment

BAYBAY

BRGY

INUSISA

ISANG

ITINAGO

LILOY

POLICE REGIONAL OFFICE

RAVEN RUSIANA

RUEL CARUANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with