^

Police Metro

Nasibak sa trabaho, pumatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi habang nilalapatan ng lunas ang isang sales representative nang pagsasaksakin ng nasibak na pahinante sa pag-aakalang ang una ang nagpatanggal sa kanya sa trabaho naganap kahapon sa Paco, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tinamong saksak sa likod at dibdib ay kinilalang si Alvin Lagrimas, 44, residente ng President Quirino Avenue, Paco, Maynila.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Arturo Marciano III, 40, ng no. 1684 President Quirino Avenue, Paco, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-1:00 ng hapon nang maganap ang krimen malapit sa bahay ng  biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon na may galit ang suspek sa biktima dahil  pinagdududahan na ang huli ang nagpatanggal sa kanya sa trabaho.

Ayon sa pulisya na ang biktima ang nagpasok sa suspek sa trabaho, suba­lit natanggal ito dahil sa may katamaran na laging sinisita ng una hanggang sa masibak ito sa trabaho.

Kaya’t nang magsalubong ay dito na inilabas ng suspek ang galit hanggang sa mag-away at nang bumagsak ang biktima ay dito na siya sinaksak.

 

vuukle comment

ALVIN LAGRIMAS

ARTURO MARCIANO

AYON

BATAY

KAYA

LUMALABAS

MAYNILA

NASAWI

PRESIDENT QUIRINO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with