^

Police Metro

Kilabot na snatcher utas sa taumbayan

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lalaki na umano’y kilabot na snatcher sa Maynila ang nasawi matapos siyang maaresto at pagtulungang gulpihin ng taumbayan kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Alfredo Simbulan, 44, ng  no. 931 St. Mary St., Asuncion, Tondo, Maynila.

Sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa C. M Recto Avenue noong Lunes ay hinablot ng suspek ang cellphone ng security guard na si  Edwin Arogante na noo’y naglalakad.

Humingi ng saklolo si Arogante at hinabol naman ng mga vendors na nasa lugar hanggang sa makorner at gulpihin ng nasa 20 katao ang suspek.

Lantang gulay bago tinigilan ang suspek at dinala sa ospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

ALFREDO SIMBULAN

AROGANTE

ASUNCION

CRUZ

EDWIN AROGANTE

HUMINGI

ISANG

M RECTO AVENUE

MAYNILA

ST. MARY ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with