^

Police Metro

Binata na nanliligaw sa ‘girl na taken’, utas sa boyfriend... Valentine’s Day murder

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na nagawang maipagdiwang ng isang 20-anyos na binata ang Valentine’s Day matapos na siya ay barilin ng dalawang beses sa ulo ng isang lalaki na nobyo ng kanyang nililigawan kahapon sa Caloocan City.

Ang biktima na idi­neklarang dead-on-arrival sa Jose Rodriguez Hospital dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo ay kinilalang si Kevin de Tatad, residente ng Phase 7-C, Bagong Silang ng   lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilala sa pa­ngalang Mansawe Imam.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:50 ng umaga ay nakatayo ang biktima malapit sa  gate ng Victoria Wave Special Economic Zone, Malaria Road, Tala ng naturang lungsod nang lapitan siya ng suspek at walang sabi-sabing binaril ng dalawang beses sa ulo.

Nang bumagsak ang biktima ay sumakay ang suspek sa naghihintay na tricycle.

Malaki ang hinala ng pulisya na matin­ding se­los ang motibo ng pagpatay ng suspek sa biktima matapos na mabalitaan nito na masugid itong nanliligaw sa kanyang nobya na si Michelle Ignas.

Idinagdag pa ng pulisya na love triangle ang motibo ng kaso dahil kahit na alam ng biktima na taken na si Michelle ay patuloy pa rin ang panliligaw nito na posibleng ikinagalit ng suspek kaya plinano ang pagpatay.

Inilarawan naman ni Michelle ang itsura ng nobyo na tumugma sa deskripsiyon ng saksing guwardiya.

vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

IDINAGDAG

JOSE RODRIGUEZ HOSPITAL

MALARIA ROAD

MANSAWE IMAM

MICHELLE

MICHELLE IGNAS

VICTORIA WAVE SPECIAL ECONOMIC ZONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with