^

Police Metro

Kinatay na parang baboy... Misis kinain ng mister at 3 anak

Rhoderick Beñez, at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mistulang wala sa tamang pag-iisip ang isang mister at tatlo nitong anak nang kanilang katayin na parang baboy ang kanyang misis at pagkatapos ay kinain ng mga ito ang laman-loob na naganap sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao noong Sabado.

Ang biktima ay kinilalang si Muzala Pinaga­yaw Amil, 55, may-asawa, residente ng Purok Maligaya, Barangay Kamasi ng nasabing bayan.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Biro Amil, mister nito at ang kanyang tatlong anak na sina Aladdin, 35; Paroy, 21; at Ibrahim Amil, 18.

Sa pahayag ni Barangay Chairwoman Zoraida Mamaluba na bago naganap ang brutal na pagpatay sa biktima ay dinala siya ng mga suspek sa kanilang lumang bahay para gamutin ng isang albularyo nitong anak makaraang saniban umano ng masamang espiritu ang biktima.

Nakita ng mga kapitbahay na sinunog umano ang katawan nito gamit ang maiinit na kutsara at hiniwa-hiwa ang balat ng kutsilyo ng kanyang mga anak at mister.

Narinig pa ng isang residente ang paghalakhak ng mga suspek habang ginagawa ang kanilang ritwal kaya’t sinilip niya ito at ganun na lamang ang kanyang nasaksihan na nila­lantakan ang hiniwang katawan ng biktima at sinipsip ang dugo pa nito.

Nabatid pa na may mga  umuugong na balita na ang mga suspek ay matagal ng binabansagan na aswang sa kanilang lugar.

Naaresto ang mga suspek at kinasuhan ng parricide.

 

vuukle comment

AMPATUAN

BARANGAY CHAIRWOMAN ZORAIDA MAMALUBA

BARANGAY KAMASI

BIRO AMIL

IBRAHIM AMIL

MAGUINDANAO

MUZALA PINAGA

PUROK MALIGAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with