^

Police Metro

Batangas ambush: 2 parak todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay sa isang shootout ang tatlong katao kabilang ang dalawang parak nang ambusin ng 6 armadong kala­lakihan na hinihinalang mi­yembro ng gun for hire gang kamakalawa ng hapon sa Batangas City, Batangas.

Kinilala ang mga nasawing pulis na sina SPO4 Fidel Macata­ngay, 45, nakatalaga sa Intelligence Section ng Batangas Police at  PO2 Melvin Talabis, AWOL (Absence Without Official Leave) at ang suspek na si Avelino dela Paz, 46, tubong Javier, Leyte at naninirahan sa Caloocan City na natukoy ng pulisya sa pamamagitan ng  ID sa pitaka nito.

Sa ulat, bandang alas- 5:50 ng hapon ay lulan sina Macatangay at Ta­labis ng  kulay dalandan na Crosswind Sportivo nang paulanan ng bala ng anim kalalakihan sa bahagi ng highway ng Brgy. Sta Rita ng lungsod.

Sa kabila ng sugatan ay nagawang gumanti ng putok ang dalawang parak na ikinasawi ng suspek na si De Paz na natagpuan ang bangkay may 30 metro ang layo sa niratrat na sasakyan ng mga parak.

Narekober ng mga nagrespondeng otoridad sa crime scene ang 44 basyo ng bala ng M16 rifle, 11 basyo ng cal. 45 pistol at isa pang live ammunition ng cal. 45 pistol.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng mga otoridad sa motibo ng pananambang sa dalawang pulis.

 

vuukle comment

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

BATANGAS CITY

BATANGAS POLICE

CROSSWIND SPORTIVO

DE PAZ

FIDEL MACATA

INTELLIGENCE SECTION

MELVIN TALABIS

STA RITA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with