^

Police Metro

Pambubugbog kay Vhong planado

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Planado ang pambubugbog kay Vhong Navarro ng grupo ni Cedric Lee at Deniece Cornejo matapos na makita sa CCTV noong Enero 22, 2014.

Ito ang inihayag ng abogado ni Navarro na si Atty. Alma Mallonga dahil sa nakita sa CCTV na imbitado ang una ni Deniece, bukod pa sa blotter ng guwardiya ng Forbeswoods Heights condominium na ibinilin ni Deniece ang pagdating ng actor.

“Noong una sinabi ni Deniece Cornejo na hindi niya alam ang pagdating ni Vhong Navarro pero malinaw sa  blotter ng guard na ibinilin siya (Vhong Navarro) ni Deniece sa mga guwardiya”, paliwanag ni Mallongga.

Kaugnay nito, pinabigat ng kampo ni Deniece na mula sa attempted rape ay gagawin na nilang rape  ang kaso laban sa tv host sa kabila nang sinasabing walang naganap na penetration o aktuwal na pagniniig sa pagitan ng dalawa.

  Una nang isinampa ng NBI sa DOJ ang mga kasong  serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, illegal arrest at blackmail laban kina Cedric at Berniece Lee, Deniece, Zimmer Rance, Ferdinand Guerrero, isang alyas Mike at dalawang hindi pa nakila­lang indibiduwal.

Sinabi ng NBI na nagkaroon umano ng sabwatan ang mga respondent batay sa mga hawak nilang ebidensiya gaya ng  sworn statement ng aktor, statement ng mga guwardya at ng pulis na gumawa ng blotter entry,   kopya ng blotter mula sa SPD, testimonya ni Rommel Dela Cruz, ang driver ni  Navarro, testimonya ng mga kaibigan at maging ang CCTV video, hinggil sa naganap na insidente.

vuukle comment

ALMA MALLONGA

BERNIECE LEE

CEDRIC LEE

DENIECE

DENIECE CORNEJO

FERDINAND GUERRERO

FORBESWOODS HEIGHTS

NAVARRO

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with