^

Police Metro

Bangkay itinapon sa imburnal... 10-anyos ni-rape/pinatay

Cristina Timbang, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Brutal ang naging kamatayan ng isang 10-anyos na batang babae matapos na halayin ay binigti pa ito at ang bangkay ay itinapon sa imburnal  ng isang subdivision sa Naic, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Franchesca Catibayan Santos, na natagpuan ang katawan sa isang malalim na kanal sa Naic Country Homes sa Brgy. Malainen Luma ng nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-4:00 ng hapon matapos na umuwi buhat sa kanyang pag-aaral sa Malainen Luma Elementary School at may kausap na isang binatilyo sa gate.

Nang kumagat na ang dilim ay hindi pa bumabalik ang biktima kung kaya’t hinanap na ito ng mga kamag-anak at kapitbahay.

Dakong alas-9:45 ng gabi nang matagpuan ang biktima na wala nang buhay sa imburnal ng nasabing subdivision.

Nakitaan ng mga sugat sa ulo ang biktima mula sa palo ng matigas na bagay at nasa leeg pa nito ang isang lubid na ibinigti ng hindi pa kilalang mga suspek.

Natagpuan sa lugar ang isang kahoy na may bahid ng dugo at may mga sugat din umano ang biktima na senyales na nanlaban ito sa mga suspek.

Inimbitahan ng pulisya ang apat katao kabilang ang dalawang unang nakakita sa biktima na kamag-anak ng biktima upang isailalim sa interogasyon upang magbigay linaw sa krimen.

Nakatakdang isailalim sa otopsiya ang katawan ng bata upang matiyak kung ginahasa ito bago pinatay.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

CAVITE

DAKONG

FRANCHESCA CATIBAYAN SANTOS

INIMBITAHAN

ISANG

MALAINEN LUMA

MALAINEN LUMA ELEMENTARY SCHOOL

NAIC COUNTRY HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with