^

Police Metro

Pedicab driver dedo sa 3 lasing

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang pedicab driver matapos pagtulungan na saksakin ng tatlong lasing habang ang biktima ay papauwi sa kanilang tahanan makaraang manood ng dance contest sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Bigong maisalba ng mga doktor sa UERM Hospital  ang buhay ng biktimang si  si Jay-Ar Lagmay, 18, residente ng #450 Makisig St., Sta.Mesa, Maynila dahil sa tinamong malalalim na saksak sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Tatlong lasing naman ang sinasabing may kagagawan ng pananaksak, na inilarawan sa mga edad na 20 hanggang 30, isa ay nasa nasa 5’5 angtaas, ang dalawa ay nasa 5’7 ang taas.

Sa ulat ni SPO2  Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong  alas-2:30 ng madaling araw nang papauwi na umano ang biktima at mga kaibigang sina Pancho Sandugan Jr., 20; at Dean Angelo Arellano, 19, nang dumaan sa panulukan ng Bacood at Bataan Sts., sa Sta.Mesa, ay hinarang ng tatlong lasing na suspek.

Kagagaling lamang umano ng magkakaibigan sa panonood ng dance  contest at hindi akalain na kukursunadahin sila ng mga lasing.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad para sa makilala at madakip ang mga salarin.

 

vuukle comment

BACOOD

BATAAN STS

BIGONG

DEAN ANGELO ARELLANO

JAY-AR LAGMAY

MAKISIG ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MILBERT BALINGGAN

PANCHO SANDUGAN JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with