^

Police Metro

Magkapatid patay sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang mag-kapatid na mister, habang sugatan ang dalawang taong gulang nilang kaanak, matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Quezon City,  kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang magkapatid na nasawi na sina Ramon Gutierrez, 49, may-asawa; at Leodegracia Gutierrez, 74, pawang mga residente ng  #1 Congressional St., Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Sugatan naman ang batang kaanak ng mga biktima na si Crismon Gutierrez, na ngayon ay ginagamot sa Fairview General Hospital.

Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, dalawang armadong lalaki na sakay ng kulay pulang Suzuki skydrive motorcycle ang responsable sa krimen.

Nangyari ang insidente sa harap ng bahay ng mga biktima, ganap na alas-11:00 ng gabi.

Nasa loob ng kanilang bahay ang magkapatid na biktima nang dumating ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga ito.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang dalawang salarin patungo sa direksiyon ng San Mateo Road.

Hindi pa batid ng pulisya ang motibo ng krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin na siyang subject ngayon sa ginagawang follow up operation.

 

vuukle comment

AYON

BATASAN HILLS

CONGRESSIONAL ST.

CRISMON GUTIERREZ

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

JOGENE HERNANDEZ

LEODEGRACIA GUTIERREZ

QUEZON CITY

RAMON GUTIERREZ

SAN MATEO ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with