^

Police Metro

2 problemado nagbigti

Mer Layson, Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki na umano ay may mabigat na problema ang nagpasyang tapusin ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City at lalawigan ng Cavite.

Kinilala ang unang biktima na si Arden Garchitorena, 19, open high school student sa Sagad School at nakatira sa E. Santos St., Brgy. Palatiw sa lungsod.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang matagpuang nakabigti ng kapatid na si Jerubon ang biktima sa loob ng kanilang bahay gamit ang tela na itinali sa kisame.

Sinabi ni Jerubon, bago ang pagpapakamatay ng biktima ay sinasabing nakita itong malalim ang iniisip at walang kibo sa isang sulok na indikasyon na  may personal na problema na hindi naman masabi sa kanila.

Nagbigti rin ang 27-anyos na si Edwin Cabingan, binata ng Brgy. Baliwag, Magallanes, Cavite kamakalawa ng alas-8:45 ng gabi na nadiskubre ng tiyahin nito.

Bago ang insidente ay nakapagsabi na umano ang biktima sa pinsan nito na magpapakamatay dahil sa  sawang-sawa na siya sa kanyang buhay.

vuukle comment

ARDEN GARCHITORENA

BALIWAG

BRGY

CAVITE

DALAWANG

EDWIN CABINGAN

JERUBON

PASIG CITY

SAGAD SCHOOL

SANTOS ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with