^

Police Metro

Misis dedo sa selosong mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang mister ang kanyang misis matapos ang mainitang pagtatalo dahil sa selos kahapon ng madaling-araw sa Taal, Batangas.

Namatay noon din ang biktima na nakilalang si Melanie Pareña, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Mahabang Lod-lod ng nasabing bayan.

Ang suspek ay ang sarili nitong mister na si Jimmie Pareña na mabilis na tumakas matapos mapatay ang misis.

Sa imbestigasyon, dakong alas-3:40 ng mada­ling-araw ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang mag-asawa at narinig ng mga kapitbahay na nagseselos umano ang mister dahil sa may nanliligaw dito.

Hindi nakialam ang mga kapitbahay dahil sa away-asawa at matapos ang ilang minutong pagtatalo ay tumahimik na ang mag-asawa.

Kinaumagahan, isa sa kapitbahay ang sumilip sa bintana ng mag-asawa at dito na nadiskubre ang duguang bangkay ng ginang habang hindi naman matagpuan ang mister nito.

vuukle comment

BATANGAS

BRGY

INATADO

JIMMIE PARE

KINAUMAGAHAN

MAHABANG LOD

MELANIE PARE

NAMATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with