^

Police Metro

Pulis tepok sa salpok ng motorsiklo ng bagets

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang pulis nang ito ay masalpok ng motorsiklo na minamaneho ng isang 15-anyos na binatilyo noong bisperas ng Pasko sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Dansalan, Labason, Zamboanga del Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si PO2 Glyn Daguplo, 28-anyos, miyembro ng Labason Police Station at residente ng Brgy. Malintuboan, Labason ng lalawigan.

Dinala rin sa pagamutan ang nakabanggang binatilyo na itinago sa pangalang Elmer at dalawang backrider na nagtamo ng bahagyang sugat sa katawan.

Batay sa ulat, dakong alas-10:10 ng umaga ay kasalukuyang lulan si Daguplo ng kaniyang kulay asul na Honda XRM (JN-5028) nang salpukin ito ng Honda XRM (6641-JS)  na minamaneho ng binatilyong si Elmer, ng Brgy. Ubay, Labason.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nahulog sa motorsiklo ang parak na minalas pang magulungan sa katawan at  nakaladkad pa ng ilang metro matapos na sumabit ang damit sa motorsiklo ng binatilyo.

Isinugod ang pulis sa Liloy District Hospital, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

 

vuukle comment

BATAY

BRGY

DAGUPLO

DANSALAN

DINALA

GLYN DAGUPLO

ISINUGOD

LABASON

LABASON POLICE STATION

LILOY DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with