^

Police Metro

Patay sa Yolanda nasa 6,009

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumobo na sa 6,009 katao ang nasawi sa nakalipas na super bagyong Yolanda sa Visayas region at nasa 16 milyon katao ang apektado.

Ito ang iniulat kahapon ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario.

Nanatili naman sa 1,779 ang nawawala at ngayon ay patuloy pa ring pinaghahanap habang tumaas na rin sa 27,022  ang mga naitatalang sugatan.

Nadagdagan  naman ang halaga ng pinsala ng bagyo na umaabot na sa P 35.547 bilyon kabilang ang P18.226 bilyon sa imprastraktura at P17.321 bilyon naman sa agrikultura.

Patuloy naman ang rehabilitation mission ng mga ahensya ng gobyerno upang muling makaba­ngon ang mga residente sa Visayas  Region na matinding sinalanta ng super typhoon Yolanda  noong Nobyembre 8.

Nasa 1,139,0731  namang mga kabahayan ang nagtamo ng pinsala kabilang ang 550,904  nawasak at 588,827 nagkaroon ng sira.

Nabatid din namarami sa mga bangkay na narekober sa Tacloban ang nabulok na at mahirap ng kilalanin dahilan burado na ang fingerprint, walang dental rekord  at wala ring kumikilala  sa mga ito matapos ang exodus ng mga reaidente sa Leyte at Samar.


 

vuukle comment

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

LEYTE

LUMOBO

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

VISAYAS

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with