^

Police Metro

Humoldap sa misis ng pulis, napatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki matapos na barilin ng isang pulis nang tangkain na holdapin ang misis nito kamakalawa ng gabi sa Adriatico St., Malate, Maynila.

Nakilala ang suspek batay sa nakuhang PhilHealth card na si Anthony Amarillento.

Batay sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas-10:45 ng gabi sa tapat ng isang massage parlor sa Malate, Maynila ay kagagaling lamang umano sa pagsisimba sa Baclaran ang mag-asawang si SPO1 Joel Aquino, 36, nakatalaga sa Manila Action and Special Assignment (MASA) Manila City Hall at misis nitong si Amelia.

Dumaan muna sa Malate ang mag-asawa upang kumain sa isang teriyaki restaurant at unang bumaba at nag­lakad si Amelia, habang pumaparada pa ng sasakyan si SPO1 Aquino, nang lapitan at tangkang holdapin ng suspek.

Nagpakilalang pulis si SPO1 Aquino, subalit inundayan umano siya ng saksak ni Amarillento kaya’t napilitang bumunot ng baril na ikinamatay agad nito.

vuukle comment

ADRIATICO ST.

AMARILLENTO

ANTHONY AMARILLENTO

AQUINO

BACLARAN

JOEL AQUINO

MANILA ACTION AND SPECIAL ASSIGNMENT

MANILA CITY HALL

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with