^

Police Metro

Tandem na holdaper dedo sa barilan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang holdaper na sakay ng isang motorsiklo ang napatay nang makipagbarilan sa mga pulis sa checkpoint kamakalawa sa national highway, Purok V, Brgy. Bangonay, Jabonga, Agusan del Norte.

Nakilala ang mga  nasawing suspek na sina Jeffrey Beluan, 27 at Joel Cabachete, 32; pawang ng Brgy. Libas ng bayang.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang barilan bandang alas-7:05 ng gabi ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang Jabonga Police mula kay Sr. Inspector Allan Serquina, hepe ng Kitcharao Police na humihi­ling na harangin sa checkpoint ang dalawang tumakas na suspek na nasangkot sa nakawan sa kanilang bayan.

Eksakto namang dumaan sa checkpoint na inilatag ng Jabonga Police sa kahabaan ng highway ng Brgy. Bangonay, Jabonga ang  mga suspek  na magkaangkas sa kulay asul at puting Honda XRM motorcycle.

Nang akmang sisitahin ang mga ito ng mga pulis ay tinangka pang maghagis ng granada.

Dito na nagkaroon ng ilang minutong habulan at palitan ng putok na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang suspek.

 

vuukle comment

BANGONAY

BRGY

JABONGA

JABONGA POLICE

JEFFREY BELUAN

JOEL CABACHETE

KITCHARAO POLICE

PUROK V

SR. INSPECTOR ALLAN SERQUINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with