^

Police Metro

Bagong silang na sanggol itinapon sa basurahan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naisalba ng isang magtiyuhin ang isang bagong silang na sanggol na babae matapos na marinig nila ang pag-iyak nito sa tambak na mga basura sa Purok 3 Ambangan, Brgy. Libertad, Butuan City, Agusan del Norte.

Sa salaysay ng mag­tiyuhing Jimmy Gabor, 34 at pamangkin na si Sandy Abiagador,16, na sakay sila ng traysikad ng makarinig sila dakong alas-11:30 ng gabi nang  iyak ng sang­gol sa may tambakan ng basura.

Agad nilang pinuntahan ang pinanggaga­lingan ng iyak at dito ay nakita ang sanggol na nababahiran pa ng dugo ang katawan at  bagong putol na pusod na indikasyong isang hilot ang nagpaanak dito.

Agad silang tumawag sa Butuan City Police Station 3 na nagresponde sa lugar at kinuha ang munting anghel bago pa man ito mapahamak sa mga asong gala sa lugar.

Ang sanggol ay dinala sa Ambago Health Center kung saan isinailalim sa medikasyon bago ibinigay sa pa­ngangalaga ng City Social Welfare Development ng lungsod.

Patuloy ang im­bestigasyon ng mga otoridad upang matukoy at maaresto ang ina ng sanggol na nagtapon sa kanyang anak.

vuukle comment

AGUSAN

AMBAGO HEALTH CENTER

AMBANGAN

BRGY

BUTUAN CITY

BUTUAN CITY POLICE STATION

CITY SOCIAL WELFARE DEVELOPMENT

JIMMY GABOR

SANDY ABIAGADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with