^

Police Metro

Lovers natagpuang patay... Love triangle tinapos sa bala

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinaghihinalaang love triangle ang dahilan ng pagpatay sa isang mag-lover na natagpuang may mga tama ng bala sa ulo at katawan sa loob ng bahay ng babae kamaka­lawa sa Parola Compound, Binondo, Maynila.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Girly Liong­son, 38-anyos, ng no. 045 Area-C, Gate 54, Parola Compound, Binondo, Maynila at Edmond Lacay, 39, may-asawa, ng no. 617 Hermosa St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng hapon nang madiskubre ang bangkay ng dalawa ng isang babaeng kustomer ni Liongson sa “Natasha” product.

Sa salaysay ng nasabing kustomer na siya ay nagtungo sa 2 storey house ni Liongson at dito ay nadatnan niyang magulo ang bahay at mistulang hinalughog at pagpasok niya sa sala ay nakita niyang nakasubsob si Liongson habang si Lacay ay duguang nakatihaya at kapwa wala nang buhay.

Agad niya itong ipi­nabatid sa mga tanod na siya namang nag-report sa MPD-Station 11.

Si Liongson ay may tama ng bala sa kanang sentido, mukha at palad. habang si Lacay naman ay may isang tama lamang sa kaliwang pisngi.

Sa salaysay ng mga kapitbahay na dakong alas-4:00 ng hapon noong Sabado ay dumating sa nasabing bahay ang dalawang biktima at kinagabihan dakong alas-10:00 ng gabi ay nakarinig sila ng tatlong magkakasunod na putok ng baril na binalewala lamang nila.

Patuloy ang imbestigasyon kung ang motibo sa krimen ay may anggulong love triangle dahil kapwa may-asawa ang dalawang biktima.

vuukle comment

BINONDO

EDMOND LACAY

GIRLY LIONG

HERMOSA ST.

LACAY

LIONGSON

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

SI LIONGSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with