^

Police Metro

Dating pulis dedo sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang retiradong pulis makaraang pagbabarilin ng isa sa dalawang suspek na riding-in-tandem sa Quezon City, kahapon umaga.

Dead on the spot sa lugar ang biktimang si Benjamin Paulo, 58, retired police officer na nakatalaga sa Traffic Management Group at residente sa  #18 Mapang-akit St., Brgy. Pinyahan sa lungsod.

Hindi pa batid ng mga awtoridad sa pagtukoy sa salarin dahil nakasuot umano ng helmet ang triggerman at kasamahan nito nang paslangin ang biktima.

Sa ulat ni PO2 Erick Isidro, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa harap ng RCS insurance service na matatagpuan sa  #8-B Criseden Building, Matapang St., Brgy. Pinyahan, ganap na alas-9:30 ng umaga.

 Ayon sa testigong si Herardo Morales, nakaupo umano ang biktima sa harap ng insurance office nang dumating ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang dalawa sakay ng Honda wave motorcycle na hindi nakuha ang plaka.

vuukle comment

AYON

B CRISEDEN BUILDING

BENJAMIN PAULO

BRGY

ERICK ISIDRO

HERARDO MORALES

MATAPANG ST.

PINYAHAN

QUEZON CITY

TRAFFIC MANAGEMENT GROUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with