^

Police Metro

Tinawag na bakla, pumatay

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inamin kahapon ng naarestong suspek sa pagpatay sa isang UV Express driver na siya ay biktima ng pambu-bully at tinawag na bakla kaya nagawa ang krimen na naganap noong Huwebes  ng umaga sa Intramuros, Maynila.

“Napikon lang po ako sa kanya kasi palagi akong tinatawag na bakla, palagi pa nila akong pinagtatawanan ‘pag andun ako sa may terminal nila,” depensa ni  alyas “Buknoy” na kinilalang si Marlon Ignacio Jr., residente ng no. Cabildo St., Intramuros, Maynila na suspek sa pananaksak sa biktimang si Noly Dimaculangan, 42, UV Express driver at residente ng  #37 Yakal St., Corner Narra Lane Subdivision, Sucat, Parañaque City.

Nadakip si ‘Buknoy’ ng mga tauhan ng Manila Police District Homicide Section sa bahay ng kanyang kapatid sa Tanza, Cavite.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista, nagawang saksakin sa lalamunan at leeg ng suspek ang biktimang si Dimaculangan  dakong alas-6:35 ng umaga noong Oktubre 24, sa terminal ng UV Express sa Anda Circle, Intramuros ay dahil sa pambu-bully sa kanya.

 

vuukle comment

ANDA CIRCLE

BUKNOY

CABILDO ST.

CORNER NARRA LANE SUBDIVISION

INTRAMUROS

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT HOMICIDE SECTION

MARLON IGNACIO JR.

MAYNILA

NOLY DIMACULANGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with