^

Police Metro

Mister, hiniwalayan ni misis, nagbigti

Cristina Go Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labis umanong dinamdam ng isang mister ang pakikipaghiwalay sa kanya ng kanyang misis kaya nagpasya na lamang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa sarili sa loob mg kanilang bahay sa Brgy. Pulong Bunga, Silang Cavite kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Norberto Lancega, 31-anyos, residente ng purok 3 Brgy. Pulong Bunga, ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Angelo Palanca, may hawak ng kaso, ang pagpapakamatay ng biktima ay naganap dakong  alas-9:00 ng umaga ng sa loob ng bahay nito.

Ayon sa report, bago ang insidente ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng biktima at ng misis nito na si Belinda Anarna Lanceta.

Nauwi umano sa hiwalayan ang pag-aaway ng mag-asawa na labis namang dinamdam ng biktima kaya naisipan nitong magpatiwakal.

vuukle comment

AYON

BELINDA ANARNA LANCETA

BIKTIMA

BRGY

KINILALA

MICHAEL ANGELO PALANCA

NAUWI

NORBERTO LANCEGA

PULONG BUNGA

SILANG CAVITE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with