^

Police Metro

NAIA official pinasisibak

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hinimok ng isang mambabatas si Pangulong Noynoy Aquino na sibakin na ang pinuno ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Manila International Airport Authority (MIAA).

Ayon kay Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian, muling naiboto bilang “worst airport” sa buong mundo ang NAIA sa loob ng dalawang magkasunod na taon.

Giit ni Gatchalian dapat na sibakin ni PNoy si  Ge­neral Manager Jose Angel Honrado at iba pang opisyal ng NAIA at MIAA dahil sa kabiguan ng mga ito na matugunan ang mga problema sa paliparan at iba pang airport sa bansa.

Base sa travel site na “The Guide to Sleeping in Airports” na inilabas noong Oktubre 15 ang NAIA terminal 1 ang pinaka worst na paliparan sa buong mundo at sa Asya.

Nanguna na rin ang NAIA  sa listahan noong 2011 habang pang lima naman noong 2010.

Sinabi ni Gatchalian, kung sisibakin ng Pangulo at papalitan ng bagong mamumuno ang NAIA ay posibleng mawala na sa listanan sa ‘worst airport’ ang nasabing paliparan.

vuukle comment

ASYA

AYON

GATCHALIAN

MANAGER JOSE ANGEL HONRADO

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SHERWIN GATCHALIAN

VALENZUELA REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with