^

Police Metro

Tatay napatay ng mga kaaway ng anak

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling ipinakita ng isang ama ang kanyang pag­mamahal nang ito ay ma­patay matapos na harapin ang mga kaaway ng anak kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital ay na­ki­lalang si Danilo Panlilio, 47-anyos, ng A. Perla St., Tondo, Maynila dahil sa tinamong 2 saksak sa kaliwang dibdib.

Naaresto naman ang mga suspek na sina Eleazar Vallejos, 35, pedicab dri­ver, ng no. 053 Quirino St., Tondo; Melchor Buenaflor, 38, pintor, ng no. 036 Quirino St., Tondo.

Habang nakatakas naman ang isa nilang kasama na hindi pa tukoy ang  pa­ngalan.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-10:00 ng gabi sa Madrid St., kanto ng Perla St., Tondo, Barangay 121, Zone 9 ay nakikipag-inuman ang biktima at anak na si Jeffrey sa isang bin­yagan nang lumusob ang suspek na si Vallejos.

Dito ay kinompronta ni Vallejos si Jeffrey hinggil sa hindi pagkakaunawaan sa isang video karera sa lugar.

Umawat ang biktima at pi­naalis nito ang anak upang makaiwas sa away na kinagalit ni Vallejos na  nagbanta ito na babalik at papatayin ang una.

Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik si Vallejos, kasama si Buenaflor at isa pang lalaki at pinagtulungang saksakin ang biktima hanggang sa humandusay.

Nabatid sa pulisya na bagong opera lang ang biktima dahil sa nakitang tahi nito na sugat kanang dibdib.

Ang biktima ay dinala sa nasabing ospital, subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.

 

vuukle comment

DANILO PANLILIO

ELEAZAR VALLEJOS

JEFFREY

MADRID ST.

MARY JOHNSTON HOSPITAL

PERLA ST.

QUIRINO ST.

SHY

VALLEJOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with