^

Police Metro

Army Capt., 1 pa todas sa Basilan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Napatay sa isang sagupaan sa Basilan sina Capt. Harold Camazo, Commanding Officer ng 11th Scout Ranger at isang enlisted personnel nang makasagupa ang hindi pa madeterminang bilang ng nagsanib puwersang mga bandidong Abu Sayyaf Group at Bangsa­moro Islamic Freedom Figh­ters (BIFF) sa Ungkaya Pukan, Basilan kahapon ng tanghali.

Batay sa ulat, bandang alas-11:26 ng tanghali  nang makasagupa ng tropa ng 11th SRC na nagsasagawa ng clearing operation sa Brgy. Materling, Ungkaya Pukan ang hindi pa madeter­minang bilang ng mga bandido.

Sa kasagsagan ng bakbakan ay minalas na masapul ng tama ng punglo si Ca­mazo at isa pang sundalo  na ikinamatay ng mga ito.

Nagsiatras naman sa bakbakan ang mga bandi­do na pinaniniwalaang nalaga­san rin ng puwersa sa ilang oras na sagupaan.

Patuloy naman ang isina­sagawang clearing opera­tions ng tropa ng mga sundalo upang hanapin ang mga nalagas sa panig ng mga kalaban na posibleng ina­bandona ng kanilang mga kasamahan.

 

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

BANGSA

BASILAN

COMMANDING OFFICER

HAROLD CAMAZO

ISLAMIC FREEDOM FIGH

SCOUT RANGER

SHY

UNGKAYA PUKAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with