^

Police Metro

2 holdaper utas sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dead on the spot ang dalawang lalaking holdaper matapos makipagbarilan sa mga pulis na sumita sa kanila nang holdapin ang mga pasahero ng isang jeep kamakalawa ng gabi sa Brgy.Ta­talon, Quezon City.

Inilarawan ang isa na nakasuot ng kulay gray na t-shirt, maong shorts, may taas na 5’2” at may tattoo na ‘Tuper Polintang’ sa leeg, ‘SSS’ sa dibdib, at ‘Sol Agustin’ sa likod.

Ang ikalawa naman ay nakasuot ng maroon na t-shirt na may Nazareno, maong pants, may taas na 5’9 at may tattoo na ‘Angel Hermit’ sa dibdib,’ ‘Noyet’ sa kaliwang braso, at ‘Maris Cotes’ sa tagiliran.

Sa salaysay ng driver ng jeepney (PXC-273) na si Samuel Deloso, bi­nabaybay umano niya ang E. Rodriguez nang sumakay ang mga holda­per na nagpanggap na pasahero at ilang sandali ay naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap sa apat na pasahero sa harap ng Quezon-Institute.

Tiyempo namang nag­­sasagawa ng anti-cri­­minality patrol ang tropa ni P/Supt. Victor Pagulayan sa lugar at napansin nila ang dalawang holdaper na tuma­lon mula sa umaandar na jeep.

Lumapit ang mga pulis sa jeep ngunit napansin sila ng mga holdaper at pinaputukan ang mga una.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang dalawa na nakuhaan ng  isang kalibre 38 at isang basyo ng bala ng kalibre 45.

Nabawi sa mga suspek ang mga gamit na tinangay sa mga biktima. – Dagdag ulat ni Jam Krisette Nuñez (trainee) –

vuukle comment

ANGEL HERMIT

JAM KRISETTE NU

MARIS COTES

QUEZON CITY

SAMUEL DELOSO

SHY

SOL AGUSTIN

TUPER POLINTANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with