^

Police Metro

Rider Inutas ng angkas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inutas ang isang motor rider ng kanyang angkas sa sinasakyang motorsiklo sa Barangay Gulod, Quezon City, kamakalawa ng umaga.

Ang biktima ay kinila­lang si Woody Araño, 38, nakatira #210 P. Dela Cruz St., Brgy. San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na nakilala sa alyas na “Kokoy.”

Sa imbestigasyon ni SPO1 Domingo Pedroso ng Quezon City Police Station 4, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-7:00 ng umaga sa harap ng 47- Kid’s ABC School of QC, sa Masaya St., Brgy Gulod sa lungsod.

Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang RUSI motorcycle (7345-TP) kung saan angkas nito ang suspek.

Pagsapit sa naturang lugar ay bigla na lamang bumunot ng baril ang suspek at pagbabarilin ang walang kaalam-alam na biktima habang nakatalikod.

Nang bumuwal ang biktima at matiyak na patay na ito ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng  nasabing motorsiklo.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na magkakilala ang biktima at suspek dahil magkasama ang dalawa na nakasakay sa isang motorsiklo.

Bago maganap ang insidente ay posible uma­nong nagkaroon ng alitan ang dalawa na nauwi upang bumunot ng baril ang suspek at pagbabarilin nito ang biktima habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Lahat ng posibleng motibo ng krimen ay ina­alam ngayon ng mga awtoridad upang matukoy at madakip ang salarin. - Dagdag na ulat ni Jam Krisette Nuñez -

 

vuukle comment

BARANGAY GULOD

BRGY GULOD

DELA CRUZ ST.

DOMINGO PEDROSO

JAM KRISETTE NU

MASAYA ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with