^

Police Metro

Problema sa misis at nobya hindi nakayanan… driver sweet lover nagbigti

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines -Ang umano’y pagi­ging “sweet lo­ver” ng isang driver ang naging dahilan nang pagbibigti nito matapos hindi naka­yanan ang matinding problema sa kanyang misis at sa nobya na naganap kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila.

Ang biktima na hindi umabot ng buhay sa Tondo Medical Center ay kinilalang si Hector Garcia, 37, driver ng pampa­saherong jeep  at nakatira sa  no. 368 Capulong St., Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pagpapatiwakal ng biktima dakong alas-2:35 ng madaling araw sa bahay ng kanyang nobya sa no. 2011 Velasquez St. Tondo, Maynila.

Nabatid na bago ginawa ng biktima ang pagbibigti ay nakita ng ilang kapitbahay na nag-aaway sila ng kanyang nobya na hindi nakuha ang pangalan na kung saan pansamantalang nakatira ang biktima.

Ilang minuto ang nakalipas ay humingi ng tulong ang nobya sa mga kapitbahay matapos na makita ang biktima na nakabigti.

Mabilis na dinala sa ospital ang biktima, su­balit namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.

Hinala ng pulisya na ang sobrang depresyon ang nakikitang dahilan nang pagpapakamatay ng biktima matapos hindi nito malaman kung sino umano ang pakikisamahan kung ang  kanyang misis o ang kasalukuyang  kasintahan na kapwa niya mahal.

Hindi naman nagbigay ng pahayag sa pulisya ang misis at ang nobya.

vuukle comment

BATAY

BIKTIMA

CAPULONG ST.

HECTOR GARCIA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

TONDO MEDICAL CENTER

VELASQUEZ ST. TONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with