^

Police Metro

Abu Sayyaf members nasa MM

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Iniutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo Jr.,  ang pagpapala­kas ng security measures sa mga pangunahing ins­talasyon ng gobyerno sa Metro Manila  partikular na sa mga shopping malls  at iba pang matataong lugar matapos mamonitor ang presensya ng ilan umanong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG).

Magugunita na naaresto ng mga operatiba ng pulisya noong nakalipas  na Hulyo 25 ang isang miyembro ng Abu Say­yaf na si Taib Basal Sali alyas Gong-Gong Sali/Abu Husni, may patong sa ulong P5.3 M sa operasyon sa Payatas, Quezon City.

Bagaman wala namang direktang banta ng terorismo ang ilang Abu Sayyaf lalo na ngayong inoobserbahan ng mga Muslim ang Ramadan na namonitor ng intelligence operatives na nasa Metro Manila ay mas mabuti na ang nakahanda ang kapulisan sa Metro Manila.

Ang pagtatago ng ilan sa mga miyembro ng Abu Sayyaf sa Metro Manila ay dahilan sa pinalakas na opensiba ng tropa ng militar at ng pulisya sa Mindanao laban sa mga bandido.

Ayon pa sa NCRPO Chief higit pang pinaig­ting ang intelligence monitoring at surveillance operations laban sa naturang mga lokal na teroristang grupo upang mapigilan ang paghahasik ng mga ito ng terorismo.

vuukle comment

ABU HUSNI

ABU SAY

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

GONG-GONG SALI

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with