^

Police Metro

Opisyal ng munisipyo, mister niratrat

Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Kapwa kritikal sa ospital ang isang mag-asawa nang sila ay pagbabarilin sa naganap na ambush kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Brgy. Road, Brgy. Farmington,Tampilisan, Zamboanga del Norte.

Ang mag-asawa ay kinilalang sina Hermelita Fullon, disbursing officer ng pamahalaang lokal ng Tampilisan at mister nitong si Felix Fullon, pawang residente ng Brgy. Galingon ng bayang ito.

Batay sa ulat, bandang alas-5:30 ng hapon ay kasalukuyang lulan ang mag-asawa ng kulay itim na Honda CB110 pauwi sa kanilang bahay ga­ling sa Brgy. Poblacion, Tampilisan nang buntutan ng mga salarin na sakay ng kulay pulang motorsiklong XRM 125.

Pagsapit sa lugar ay agad na niratrat ng mga suspek gamit ang cal.45 pistol ang mag-asawa na nagtamo ng mga tama ng bala ng cal.45 pistol sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas sa crime scene ang mga suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa trabaho ng ginang sa munisipyo ang motibo ng pamamaril.

vuukle comment

BATAY

BRGY

FARMINGTON

FELIX FULLON

GALINGON

HERMELITA FULLON

KAPWA

MABILIS

TAMPILISAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with