^

Police Metro

Sa loob ng apartelle… misis inutas, lover nagbaril

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Malaki ang hinala ng mga otoridad na binaril muna ang babae ng kanyang kalaguyo bago ito nagbaril sa sarili matapos na sila ay matagpuang kapwa patay sa tinutuluyang silid ng isang apartelle kamakalawa sa Baguio City.

Ang hindi pa nakikila­lang babae ay may tama ng bala sa dibdib habang ang lalaki na nakilala sa pamamagitan ng nakuhang identification card sa kanyang katawan ay kinilalang si Angelito Rivero, 39-anyos ng Meycauyan City, Bulacan na may tama rin sa dibdib.

Batay sa natanggap na ulat ni Supt. Davy Vicente Limmong, spokesman ng Cordillera Police, dakong alas-10:30 ng umaga kamakalawa nang madiskubre ng roomboy ang bangkay ng mga biktima na magkatabi sa kama sa Room 202 Ferioni 2 Apartelle na matatagpuan sa #46 Lower Phil-Am sa siyudad at ang kalibre 38 baril na ginamit.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na noong Linggo nang mag-check in sa nasabing apartelle ang magkalaguyo at nakatakda sanang mag-checkout kamakalawa ng alas-7:00  ng umaga.

Subalit, hindi pa lu­ma­labas ang mag-lover kaya’t kinatok ito ng  roomboy na si Gaspar Durin at nang hindi pagbuksan ay napilitan ang management ng apartelle na gamitin ang master key at dito na tumambad ang nakalugmok  na bangkay ng mga biktima sa kama.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo ng krimen.

vuukle comment

ANGELITO RIVERO

APARTELLE

BAGUIO CITY

BATAY

CORDILLERA POLICE

DAVY VICENTE LIMMONG

GASPAR DURIN

LOWER PHIL-AM

MEYCAUYAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with