^

Police Metro

Holdap sa Marikina... mag-syota pinabulagta

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bulagta ang magsiyota makaraang pagbabarilin ng hinihinalang holdaper habang ang mga ito ay nag­­lalakad sa kalsada pa­tungo sa bahay ng ka­nilang kaibigan sa Ma­rikina City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Reynaldo Jagmis ng Marikina City Police ang mga biktima na sina Richard Maya-Maya, 19, construction worker at nobya nitong si Catheri­ne Rabulan, 16, buntis, kapwa residente ng Barangay Nangka, Marikina City. 

Nagtamo ng tama ng bala ng kalibre 45 baril sa ibat-ibang parte ng kanilang katawan ang magnobyo.

Sa imbestigasyon ng Marikina Police, nabatid na ang insidente ay na­ganap dakong alas-8:00 ng gabi sa Barangay Nangka.

Sinasabing naglalakad ang mga biktima upang sunduin ang isang kaibigan sa Anastacia Village sa nasabing barangay nang lapitan sila ng di kilalang suspek na armado ng isang kalibre 45 baril.

Wala umanong sabi-sabing pinagbabaril ng suspek ang magnobyo na nagresulta sa agarang kamatayan ni Maya-maya.

Nagawa naman ma­katakbo ni Rabulan pero siya man ay pinagbabaril din ng suspek. Nang makita pareho nang walang buhay ang dalawa ay saka kinuha ng suspek ang pera, cell phone at relo ng magnobyo at kaswal na nag­lakad patungo sa isang naghihintay na sasakyan para tumakas.

Sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung holdap nga ba o may iba pang motibo ang krimen.

vuukle comment

ANASTACIA VILLAGE

BARANGAY NANGKA

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

MARIKINA POLICE

RABULAN

REYNALDO JAGMIS

RICHARD MAYA-MAYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with