^

Police Metro

5 magpinsan patay sa ambush

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinagbabaril ang li­mang kalalakihan na pawang magkakamag-anak ng mga lalaki na sakay ng dalawang mo­torsiklo at tricycle sa na­ganap na ambush sa ibabaw ng tulay na hangganan ng Pasay at Makati City kahapon ng madaling-araw.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Andrew Lloyd Cruz, 23, may-asawa; kapatid nitong si Francisco Cruz III, 20; pinsan na sina Chuckydee Cruz, 22; Raymart Saraza, 20; at Rogelio Diala, 23, pawang mga naninirahan sa Magtibay St., Pasay City at panay tattoo ang mga katawan.

Hindi nakilala ang mga suspek dahil pawang naka-helmet na kung saan ang tatlo ay lulan ng isang tri­cycle, dalawa ang magka-angkas sa isang motorsiklo at isa ay solo sa isang motorsiklo.  

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-2:36 ng madaling-araw nang maganap ang pag-ambush sa mga biktima sa ibabaw ng Arnaiz Cementina Dolores bridge sa may Arnaiz Avenue, Pasay.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na galing sa bandang Makati ang magpi­pinsan na biktima buhat sa isang videoke bar at papauwi na nang palibutan ng mga salarin sa naturang tulay at walang habas na pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek makaraan ang pamamaril habang isinugod pa ng mga ru­mespondeng otoridad sa Pasay City General Hospital ang mga biktima ngu­nit hindi na umabot ng buhay.

Sinabi naman ni Pasay City Station Investigation and Detective Management Section chief, Chief Insp. Joey Goforth na nadiskubre nilang may kaso ukol sa iligal na droga ang magpinsang sina Andrew Lloyd at Chuckydee na naaresto noong nakaraang Hulyo at Setyembre 2012 na nakalaya makaraang makapagpiyansa. Habang nasa order of battle ng Station Anti-Illegal Drugs office ang tatlo pang biktima na sina Francisco, Saraza at Diala.

Nakatutok ang imbes­tigasyon ng pulisya ukol sa posibleng onsehan sa iligal na droga sa isang sindikato ang motibo ng pamamaril.

 

vuukle comment

ANDREW LLOYD

ANDREW LLOYD CRUZ

ARNAIZ AVENUE

ARNAIZ CEMENTINA DOLORES

CHIEF INSP

CHUCKYDEE CRUZ

FRANCISCO CRUZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with