^

Police Metro

Ex ni misis inutas ng mister

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Pinagtataga ng isang 76-anyos na lolo ang isang 58-anyos na mister dahil sa selos  matapos na maba­litaan na ito pala ay naging karelasyon ng kaniyang misis naganap kamakalawa sa Brgy. Guiasan, Magallanes, Agusan del Norte.

Ang biktima na nasawi noon din ay nakilalang si Felix Gohol Sr., residente ng nasabing lugar.

Ang suspek na agad naaresto ay kinilalang si Orlando Macuno, kapitbahay ng biktima.

Batay sa ulat, bandang alas-3:00 nang hapon nang magsalubong ang biktima at ang suspek na noon ay lasing sa alak.

Tinuya umano ng biktima ang suspek tungkol sa pagkalalaki nito sabay na sinabuyan ng alak.

Nairita ang suspek at nagselos dahil doon niya lang nalaman na nagkaroon pala ng relasyon ang misis niya at biktima.

Sa galit ng suspek ay kinuha sa baywang ang  itak at walang habas na pinagtataga ang biktima hanggang sa ito ay mamamatay.

vuukle comment

AGUSAN

BATAY

BIKTIMA

BRGY

FELIX GOHOL SR.

GUIASAN

MAGALLANES

NAIRITA

ORLANDO MACUNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with